MAS GUMALING ANG MGA BUWAYA

DPA ni BERNARD TAGUINOD

AKALA ng marami noong mabuko ang pork barrel scam, na matitigil na ang katiwalian na kinasasangkutan ng mga mambabatas at matuto na ang mga nangongontrata sa gobyerno noong makasuhan at masentensyahan si Janet Napoles.

Pero mas lalong gumaling pa pala ang corrupt politicians at mga kontratista dahilyung pork barrel na nagpayaman kay Napoles at mga kasabwat niyang mga kongresista at senador ay barya pala kumpara sa kinikita nila sa flood control projects.

Mantakin n’yo ha, P10 billion lamang ang pork barrel scam na kinasangkutan ni Napoles at iba pang pekeng non-government organizations (NGOs) pero itong flood control projects scam ay by the trillions ang pinag-uusapang halaga.

Dahil sa pork barrel scam na ito, idineklara ng Korte Suprema na ilegal ito pero magagaling ang mga buwaya sa Kongreso dahil mas lumaki pa ang pondong pinaghati-hatian at pinagkakakitaan nila.

Ayaw nilang tawaging pork barrel ang flood control projects at sang-ayon naman ako dahil mas malaki sa baboy ang eskandalong ito dahil sa laki ng pondong ibinubulsa lamang nila habang nagdurusa naman ang mga tao sa pagnanakaw nila. ‘Yung baboy ay naging baka!

Hindi lang dapat ang mga contractor at mga politiko…congressman man o senador, ang dapat habulin at sampulan kundiyung mga buwaya rin sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Mayayaman ang mga taga-DPWH lalo nayung district engineers. Tingnan mo yung DE sa Bulacan, halos P12 million ang suot niyang relo at ‘yung damit niya higit sa P90,000 ang halaga. Saan galing ang perang ipinambili dyan?! Sa lumubog na flood control projects. Kapal eh.

Kailangang managot sila sa anomalyang ito dahil sa pork barrel scam ay parang si Napoles lang ang naparusahan pero parang walang nakulong man lang sa mga opisyal ng mga ahensyang pinagdaanan ng P10 billion tulad ng Department of Agriculture (DA).

May mga nakasuhang at nasentensyahang congressman pero walang nakatikim ng selda at may senador nga na nakulong pero naabswelto at ‘yung isa ay ayaw pang ibalikyung milyones na ipinababalik sa kanya ng Sandiganbayan.

Mismong si Cezarah Discaya ay umamin sa interview ni Julius Babao, na nagsimula silang yumanan noong mag-DPWH (Department of Public Works and Highways) sila at hindiyan makakukuha ng proyekto kung walang kasabwat sa ahensyang ito, na lumalabas na mas malala pala ang corruption kumpara sa Bureau of Customs (BOC).

Okey lang na mangontrata sa mga proyekto ng gobyerno pero ang masama ay sinu-substandard nila ang ginagawa nila para kumita nang husto at may maibigay sa mga corrupt sa DPWH at mga politiko.

Kaya hindi na ako nagtaka sa isiniwalat ni Sen. Panfilo Lacson na 40% na lamang ang pondong ginagamit sa proyekto kaya sa isang ihip at hampas ng tubig ay bagsak na ang flood control projects nila.

114

Related posts

Leave a Comment