ASAHAN ang maulan na weekend sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.
Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa namataang sama ng panahon sa 135 kilometers east ng Virac sa Catanduanes.
Sinabi naman ni PAGASA weather forecaster Ariel Rojas na malayong maging ganap itong bagyo.
Pero ang buntot o sakop ng LPA ay magdadala ng ulan lalo na sa Bicol Region, Mimaropa, Visayas at Caraga.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mababang lugar na maghanda sa biglaang pagbaha.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay posibleng maging maaraw sa umaga at uulan sa hapon o gabi.
Inaasahan naman ang La Niña, na papalo ngayong buwan.
Sa last quarter ng taong ito inaasahan ito o sa susunod na buwan.
Ito ay ang patuloy na mga pag-ulan. (CATHERINE CUETO)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)