MENSAHE MULA SA INA NG MAYNILA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

MAY mensahe ang ina ng Maynila. Bilang ina, para sa ikabubuti ng mga anak, ng magandang kinabukasan ng bawat pamilya ang damdaming nais niyang ipadama.
Ang ugat: pagmamahal, gabay tungo sa magandang landas. Aakayin ng ina ng tahanan sa tamang landas ang mga minamahal sa gabay ng ilaw ng pagmamahal.
 Ano’ng landas ang iaalay ni Dr. Honey Lacuna-Pangan sa mga Manilenyo bilang mayor at ina ng siyudad?
Gabay tungo sa pag-usbong ng ekonomiya, na magbubunga ng maraming trabaho, kasama ang matatanda na nais pang kumita.
Kaya ang paggalang sa karapatan ng mga manggagawa at pagtulong sa  mga namumuhunan ay mahalaga para maiangat ang antas ng kanilang kabuhayan.
Edukasyon ang panlaban sa kahirapan kaya prayoridad niyang maitaas pa ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng suporta para sa mga guro, estudyante, at paaralan.
Serbisyong pangkalusugan at sosyal ang isa sa tututukan ni Honey. Mapagkalinga, maalaga.
Daragdagan pa nila ito ng school clinics para maalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro.
Ang malinis na kapaligiran ay repleksyon ng kalusugan kaya naman titiyakin ng nanay na maayos ang sistema ng paghahakot ng basura. Kooperasyon at disiplina naman ang hinihinging suporta niya sa mamamayan.
Dapat ding ligtas ang lahat laban sa krimen, pang-aabuso at karahasan. Sa tulong ng mas pinaigting na presensya ng kapulisan, mas pinadaling proseso ng pagsusumbong ng krimen, CCTVs sa mga kritikal na lugar, at pakikipagtulungan sa mga barangay, walang puwang ang mga kriminal sa lungsod, saad pa sa mensahe ng ina.
Kalakip din sa mensahe ang tiyaking ligtas ang bawat Manileño mula sa sunog, baha, at iba pang sakuna; pakikipag-ugnayan sa mga kumpanya ng kuryente, telco, at internet upang ang mga spaghetti wires ay maiunat nang tama at mailipat sa ilalim ng lupa; at proteksyon sa mga vendor at mga trucker.
Higit sa lahat, ipapakita niya ang masinop na pamamahala sa mga pondo ng lungsod upang masigurong bawat piso ay nagagamit nang tama. Katibayan dito ang kauna-unahang Seal of Good Local Governance na nakamit ng Maynila sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Buod: ang landas na iniaalay ni Mayor Honey Lacuna ay landas ng Serbisyong Diretso sa mga Manilenyo.
Sa isang ina, ang mga anak ang laging una. Para sa tapat at totoong alay, ang suklian din ng tiwala ay luwalhati na sa nagmamahal na nanay.
Kaya ang halalan ay mahalagang pagpili ng landas na lalakbayin.
61

Related posts

Leave a Comment