Du30 epektibo raw tulay sa China CAYETANO SINOPLA SA SOCIAL MEDIA

SA gitna ng mga usapin kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea, iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano na maaaring ikonsidera si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang backchannel negotiator ng Pilipinas sa China.

Sinabi ni Cayetano na kung kailangan ng bansa ng isang taong makakayang makipag-usap sa pinakamataas na lebel ng Chinese Government ay maaaring ikonsidera ang dating Pangulo dahil tiwala na ang gobyerno ng China sa kanya at maging ang mga mamamayang Pilipino.

Idinagdag pa ng senador na maganda ang relasyon ng dating punong ehekutibo kay Chinese President Xi Jinping.

Nilinaw naman ng dating kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), na magkaiba ang backchannel negotiation sa day-to-day negotiation sa China.

Sa usapin anya ng day-to-day negotiation, dapat na ipamahala ito sa nakabase sa comfort at tiwala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan sinabing magandang choice si Foreign Affairs

Secretary Enrique Manalo para sa one-on-one talks sa chief diplomat ng China.

Ngunit agad umano ng batikos sa social media ang nasabing pahayag ng senador.

Ayon sa mga netizen, malinaw na sumisipsip pa rin kay Duterte si Cayetano.

Sinopla nila ang mungkahi ni Cayetano dahil naniniwala silang hindi pabor sa Pilipinas kung gagawing negosyador ang dating pangulo.

Anila, walang nagawa sa kanyang anim na taon sa serbisyo si Duterte para ipagtanggol ang mga Pilipino partikular ang mga mangingisda na na-bully sa West Philippine Sea.

“POGO, Pharmally, at si Dennis Uy lang ang yumaman sa ilalim ni Duterte. That’s a fact!” Tweet naman ng isa pa.

May mga naniniwala rin na sumisipsip umano si Cayetano para ligawan ang mga taga-Mindanao para sa kanyang susunod na kandidatura, bagay na masyado pa anilang maaga.

“Harapin po muna natin ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Egay! Dami po naghihirap ngayon. Suhestyon lang po,” ayon pa sa isang nagkomento. (DANG SAMSON-GARCIA)

159

Related posts

Leave a Comment