QC NAGTALA NG 97% RECOVERY RATE SA COVID CASES

0

NAKAPAGTALA ng 97.5% o 102,254 na ang gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 1,392 pa ang kumpirmadong active cases mula sa 104,852 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa DOH para masigurong ang mga positibo ay residente ng QC kaya maaaring magbago pa ang nasabing bilang.

Kaugnay nito, parami na nang parami ang mga establisimyento sa QC na may safety seal. Kamakalawa, ginawaran ng Quezon City government sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte at Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Ma. Margarita Santos ng Safety Seal certification ang SM Fairview, Robinsons Novaliches, Fairview Terraces, UP Town Center, Trinoma, Vertis North, at Ayala Cloverleaf. Ang safety seal ay nagpapatunay na mahigpit na ipinatutupad sa mga nasabing establisimyento ang minimum health and safety protocols, tulad ng paglalagay ng KyusiPass, ang contact tracing app ng lungsod.

Sa pamamagitan din ng safety seal, mas maitataas pa ang kumpiyansa ng mga konsyumer na mamili dahil nakatitiyak silang ligtas at sumusunod sa health protocols ang establisimyentong pupuntahan nila. (JOEL O. AMONGO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment