MGA BULAG, PIPI’T BINGI?

PUNA ni JOEL O. AMONGO

HINDI maintindihan ng mga Pilipino na sa kabila na ang niraralihan ay ang BBM administration, ang sinampahan ng iba’t ibang kaso sa Office of the Ombudsman kamakailan ay si Vice President Inday Sara Duterte at 15 iba pa.

Kabilang sa mga complainant sina Fr. Flaviano Villanueva, running priest Fr. Roberto Reyes, former presidential adviser on the peace process Teresita Quintos-Deles, former Department of Finance undersecretary and economist Maria Cielo Magno, youth leaders Matthew Christian Silverio, John Lloyd Crisostomo at ang anti-corruption advocate na si Christopher Cabahug.

Ang mga kaso ay ang plunder, bribery, malversation and graft sa umano’y maling paggamit ng P612 million worth of confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at maging ng Department of Education (DepEd), na dating pinamumunuan ni VP Sara.

Kung pagbabasehan ang mga personalidad na nagsampa ng mga kaso laban kay VP Sara Duterte, ang mga ito ay pawang mula sa grupong dilawan, at pinklawan na kilalang tagasuporta at nagtutulak sa kandidatura ni Risa Hontiveros para sa 2028 National Elections.

Kaya lumalabas na personal at pulitika ang atake ng grupong ito laban kay VP Sara, para palakasin ang kanilang grupo para sa 2028 National Elections.

Hindi pa man natatapos ang taong ito ay pinagpaplanuhan na rin ang pagsasampa ng impeachment laban kay Sara, na walang ibang akusasyon kundi parehas sa nauna nang isinampa na dinisesyunan ng Korte Suprema na ‘unconstitutional’ dahil lagpas sa dalawang impeachment sa loob ng isang taon ang naisampa.

Ngayon, isa pang personalidad ang lumutang na nagsasabing naghatid siya ng drug at POGO money kay VP Sara na ginamit na pondo sa kandidatura ng pangalawang Pangulo noong 2022.

May mga nagsasabi na ang akusasyon ni Ramil Madriaga laban kay VP Sara ay hearsay lamang dahil wala itong ipinakikitang resibo na magpapatunay na totoo nga ang kanyang akusasyon.

Lalo pa’t inamin ni Leila Delima na sumulat sa kanya si Madriaga at humihingi sa kanya ng tulong. Sino ba si De Lima? ‘Di ba siya ang ipinakulong dati ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isyu ng illegal na droga sa New Bilibid Prisons?

Marahil kaya ginagawa nila ang mga pag-atake kay VP Sara dahil takot sila na makaupo itong presidente sa taong 2028.

Ang problema nga lang nila, kahit anong atake ang kanilang gawin laban kay VP Sara ay hindi sila pinaniniwalaan ng mga Pilipino.

Sa katunayan, kahit na kaliwa’t kanan ang atake na kanilang ginagawa laban kay VP Sara ay nananatili pa ring mataas ang tiwala ng mga Pilipino sa bise presidente.

Mistulang mga bulag, pipi’t bingi na lamang sila sa mga totoong nangyayari sa bansa na matinding korupsyon na kinasasangkutan ng mga mambabatas, kasama si PBBM, na kamakailan ay itinuro ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, na pinakamalaking nakikinabang ng flood control anomalies.

Taumbayan ang maghuhusga sa darating na 2028 National Elections kung sino ang kanilang pinaniniwalaang nagsasabi ng totoo.

oOo

Para sa reklamo at suhestiyon, mag-email sa operarioj45@gmail.com.

71

Related posts

Leave a Comment