MINI DRUG LABORATORY NADISKUBRE SA CAVITE

NADISKUBRE ang umano’y mini drug laboratory makaraan ang isang pagsabog sa Tanza, Cavite nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng umaga nang mangyari ang pagsabog sa isang bahay sa Leon Fojas St., Brgy. Sahud-Ulan, Tanza, Cavite.

Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng Tanza Bureau of Fire Protection (BFP) at Tanza Municipal Police Station, sa lugar kung saan tumambad sa kanila ang iba’t ibang drug paraphernalia at mga kagamitan na pinaniniwalaan ginagamit sa paggawa ng ilegal na droga.

Wala namang naabutang tao sa nasabing bahay matapos ang pagsabog.

Sinasabing nangungupahan lamang ang mga nakatira sa nasabing bahay na umano’y dalawang Indonesian at dalawang Pinoy nito lamang Nobyembre ng nakaraang taon, at ang may-ari nito ay nasa ibang bansa. (SIGFRED ADSUARA)

40

Related posts

Leave a Comment