Motorcycle-rider cops sasanayin DIGONG TATAPATAN ANG RIDING-IN-TANDEM

PLANO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sanayin ang mas marami pang police officers para tugisin o habulin ang mga motorcycle-riding criminal.

Nagpahayag ng pagkabahala ang pangulo sa tumataas na bilang ng street crimes sa gitna ng muling pagbubukas ng ekonomiya at pagluwag ng quarantine restrictions sa ilang lugar sa bansa.

“We have seen an upsurge of group holdups, street crimes again, because of the liberality being offered by the opening of the economy, and of course people are now allowed to roam freely and to travel,” ayon sa Pangulo.

Marami pa rin aniya sa mga kriminal ay gumagamit ng motorsiklo bilang kanilang get-away vehicle.

“The most convenient way is really ‘yung motor. Kapag nakapatay sila, dito sasakay,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, inamin ng Chief Executive na napakahirap para sa mga law enforcer na habulin ang mga motorcycle-riding criminal dahil madali para sa mga ito ang umiwas sa “in and out of traffic,” hindi katulad ng ginagamit ng karamihan sa mga police personnel.

“This is very hard to control. I understand the nightmare the police are facing, how to control the mobility of the criminal right after committing a crime. Kasi ang motor kasi, mag-zigzag lang ‘yan in and out of traffic situations, so they can really get away with it easily. Unlike motor vehicles, ma-ano ng traffic. Pati itong mga motor minsan, dumadaan pa ng sidewalks. That is of course a matter we have to address,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Kaya ang rekomendasyon ng Pangulo ay magsanay ng mas maraming police officers sa motorsiklo para mahabol ang mga kriminal.

“If we can train, the Highway Patrol can train about, siguro in one class, 30, we have to increase the mobile capacity ng pulis saka we can buy motorcycles, ‘yung mahaba. One that can negotiate any obstacle, the ordinary obstacles that you can find on the streets. But they have to be trained,” paliwanag ng Pangulo.

Tinitingnan ng Pangulo ang karagdagang 250 mobile police personnel, na maaaring i-deploy incognito.

“Kailangan pag-aralan ‘yan and we can ask the DILG kung paano… 250 will be good… pero hindi naka-uniporme…I know that it is not advisable, but the only way to really counter the anonymity of the criminal is also to fight the same on the ground,” ang pahayag ng Pangulo.

Matatandaang sinabi naman ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na ang volume ng krimen sa bansa ay bumaba ng 47 percent sa panahon ng unang anim na buwan kung saan isinailalim ang bansa sa lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Tinukoy ni Año ang data mula sa Philippine National Police (PNP) kung saan sinabi nito na 16,879 ng napaulat na krimen ay mula Marso 17 hanggang sa kasalukuyan. (CHRISTIAN DALE)

105

Related posts

Leave a Comment