NAKITA KO IYONG PAGIGING TUBONG-BATANGAS NG MISIS KO-SEN. BONG REVILLA

Noong Enero 13, Lunes pa sana ang thanksgiving lunch nina Senador Bong Revilla at Bacoor City Mayor Lani Mercado kasama ang mga taga-entertainment media.

Kaso, nag-alburuto ang bulkang Taal noong Enero 12, at apektado ang ilang bayan sa lalawigan ng Cavite. Marami ring Batangueño ang nag-evacuate sa mga bayan ng nasabing lalawigan.

Na-postpone ang thanksgiving lunch, at kahapon lang natuloy sa Annabel’s restaurant, Morato Av., Quezon City.

Kuwento ni Mayor Lani, “Sa amin sa Bacoor, we adopted around 400+ families. Pero after the directive of Governor Mandanas and DILG that they are coming back, I have not monitored whether some of them have gone back.

“Pero so far, sa unang araw pa lang, pumutok nang Linggo ang Taal Volcano, the following day, Monday, nagdala na kaagad ang Lungsod ng Bacoor sa Alfonso, Cavite ng aming mobile kitchen.

“We even lent our emergency crew to them. May iba pa kaming equipment sa may Batangas City. Tapos, iyong relief goods, nag-allot kami ng P3.5M para sa lahat ng nasalanta ng Taal Volcano na kinukupkop ng Cavite, pati iyong nasa grounds sa Batangas.”

Sambot ni Senador Bong, “Noong first day na pumutok ang bulkan, hindi ka naman agad makapupunta roon, e. On the second day, nagulat ako… nakita ko si Lani, nandoon na agad sa Alfonso, iyong mga evacuation centers.

“Nakita ko iyong pagiging tubong-Batangas niya. Isa siyang Batangueña, taga-Lipa. So, nakita ko agad iyong bilis niya.

“Nakakatuwa naman. Bilang mayor ng Bacoor na tubong-Batangas, nandoon agad siya. Hindi nagsabi sa akin iyan. Nandoon na siya.

“The next day, trinangkaso ang ale dahil wala pa yatang mask noong time na ‘yon, pero ganoon pa man, nakita ko iyong puso niya. Iyong pagtulong kaagad niya.

“In fact, delikado iyon. Ang given time, pwedeng pumutok, ‘no? Ako, nagre-relay pa lang noon, syempre, humihingi ng donations sa mga kaibigan natin. Humihingi ng tulong, pinagsama-sama ang mga tulong natin.

“Ahh, nauna siya. Ako naman, on my part, walong bayan ang napuntahan ko. Sa Cavite, Amadeo, Alfonso, Aguinaldo, Tagaytay, Silang… andoon iyong mga taga-Batangas. Nakapunta rin ako ng parte ng Batangas — Balayan, Sta. Teresita, San Luis, Lemery. Marami tayong natulungan. Libu-libo ang mga kababayan natin na nabigyan natin ng tulong.

“Importante rito iyong time na pangangailan ng mga kababayan natin, nandiyan tayo. Natulungan natin sila. Alam nating hindi sapat, pero at least, in our own little ways, makatulong ka, malaking bagay iyon.

“Ito pa ang masasabi ko, sa bawa’t oras, hindi mo masasabi ang panahon, e. Maraming pagsubok na dumarating sa buhay ng tao. In just a snap, pwedeng mawala sa iyo lahat, like what happened to Kobe Bryant. Di ba?

“In just a snap… popularity, money, pwedeng mawala lahat.” (PROOOF NI JERRY OLEA)

244

Related posts

Leave a Comment