9 KONTRATA SA FOREIGN LOANS REREBYUHIN NG OSG

OSG123

(NI BETH JULIAN)

IBINIGAY ng Department of Finance (DoF) sa Office of Solicitor General (OSG) ang lahat ng kontratang pinasukan ng gobyerno kabilang ang loan agreements sa China.

Ito ay kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa OSG at Department of Justice (DoJ)  na rebyuhin at pag aralan ang mga kontrata at foreign loans ng bansa at China para matukoy kung may mga paglabag ang mga ito sa Konstitusyon at hindi makabubuti sa mamamayan.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, nasa siyam na kontrata ang kanilang isusumite sa OSG at DoJ na posibleng masilip ng publiko. Sakaling may masilip na iregularidad ay bukas ang  DoF sa rebisyon ng mga kontrata.

Sa gagawing pagrebisa, ipaprayoridad sa review ang mga concession agreements sa public utilities.

Posible ring maging sakop ang halaga ng mga loan, re-payment scheme, maging ang mga final contractor ng mga proyektong isasagawa sa bansa.

 

135

Related posts

Leave a Comment