ALL OUT WAR LABAN SA GUN FOR HIRE PINAKAKASA

(DANG SAMSON-GARCIA)

HINIMOK ni Senador Francis Escudero ang mga awtoridad na maglunsad ng all-out war laban sa gun-for-hire syndicates at dito gamitin ang intelligence funds.

Sa gitna ito ng paggiit ni Escudero na tanging pagtukoy at pagbuwag sa grupo ng hired killers ang makakapigil sa serye ng assassination na nangyayari ngayon sa bansa.

Ayon kay Escudero, ang brutal na pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa loob mismo ng kanilang tahanan ay isa sa mga senyales na nagiging cottage industry sa bansa ang gun for hire.

Kaya kahit mahuli pa anya ang pumatay kay Degamo ay hindi garantiya na wala nang kasunod kung merong mga kriminal na ginawang negosyo ang pagpatay.

Iminungkahi ni Escudero na ipamahagi sa maraming ahensya ang P5.22 billion na intelligence funds at gamitin ito sa paglikha ng actionable database ng mga killer.

Kung ang mga perpetrators ay may nakabinbing warrant of arrest, armado at mapanganib ang listahan ang maaaring magsilbing order of battle.

Iginiit ni Escudero na magiging revolving door phenomenon ang pagpatay kapag hindi na neutralize ang mga sangkot dito.

Ayon pa senador, gobernador man o negosyante o manggagawa ang pinaslang dapat ay parehong sigasig ang ipakita ng mga awtoridad sa pagbigay hustisya sa kanila.

34

Related posts

Leave a Comment