(NI NICK ECHEVARRIA)
NASA ilalim na ng Comelec contraol ang bayan ng Moises Padilla sa lalawigan ng Negros Occidental.
Sa isang press briefing sa Camp Bagong Diwa nitong Lunes, sinabi ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na mas umiinit ang tunggalian ng magkakalabang pulitiko sa nabanggit na bayan dahilan para ilagay sa control ng Comelec.
Ayon kay Albayalde, makabibilang na sa Daraga, Albay at Cotabato ang bayan ng Moises Padilla na under control ng Comelec dahil “approved in principle” na sa nabanggit na electoral body ang kanilang rekomendasyon.
Matatandaang kamakailan ay namatay ang kapatid at pamangkin ni Vice Mayor Ella Garcia-Yulo, ng Moises Padilla matapos tambangan.
Sakaling maging opisyal na ang rekomendasyon ng PNP, mababawasan ang mga nasa listahan sa ilalim ng “red category” at magiging 542 na lamang ang mga lugar na kabilang sa areas of grave concern.
Samantala, 243 naman ang kasalukuyang nasa orange category o areas of immediate concern habang 155 ang mga lugar na nasa ilalim ng yellow category o areas of concern.
165