DIOKNO SINOPLA SA PAGPAPATIGIL SA FREE COLLEGE EDUC PROGRAM

SINOPLA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno sa plano nitong ipatigil ang “free college education program”.

Katwiran umano ng kalihim ay malaki ang ginagastos sa programa at hindi lahat ng mahihirap ay nabebenipisyuhan nito.

“I am against the proposal to stop the program because it benefits many poor but deserving high school graduates who cannot otherwise pursue college education without government financial assistance,” pambabarang pahayag ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.

Kinontra ng mambabatas ang katuwiran ni Diokno na hindi “sustainable” ang nasabing programa dahil maaari aniyang maghanap na pondo ang Kongreso para maituloy ang programa.

Bukod dito, napakaliit umano ng P51.1 Billion na inilaan para sa nasabing programa sa ilalim ng 2024 general appropriations bill (GAB) na nagkakahalaga ng P5.768 trillion.

“P51.1 billion is a small fraction of the spending proposal for next year. It’s less than one percent,” ani Rodriguez.
Sa isang pahayag ni Diokno kamakalawa, inamin nito na kinontra niya ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017 o Republic Act No. 10931 noong siya ay miyembro ng Gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil “unsustainable” umano ito.

Tinawag din ni Diokno na anti-poor ang batas dahil mas maraming mahihirap na kabataan ang hindi nakakapag-aral.

“This is really a subsidy to those who can pay for their college education. Plus, it really consumes a lot of funds,” ayon kay Diokno.

Isang halimbawa umano rito ang mga estudyante sa University of the Philippines (UP) na tinatawag ngayon ng mga tao bilang “university of the rich’ dahil puno ang mga parking lot ng mga high-end at sport utility vehicles sa kanilang campus sa Diliman, Quezon City.

Dahil dito, inatasan ng mambabatas ang Commission on Higher Education (CHED) at state and local universities and colleges na siguraduhin na mahihirap na estudyante ang makikinabang sa libreng edukasyon.

(BERNARD TAGUINOD)

294

Related posts

Leave a Comment