(NI BERNARD TAGUINOD) INTERESADO ang Office of the Ombudsman sa flood control project scam na iniimbestigahan ngayon ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Kinumpirma ito ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., matapos makipag-ugnayan umano ang mga Field Investigator ng Office of the Ombudsman sa kanyang pinamumunuang House Rules Committee ukol sa nasabing usapin.
Ayon kay Andaya, malamang na nakakita agad ng red flags sa katiwalian sa flood control projects na ibinuhos ng Department of Budget and Management (DBM) sa Sorsogon mula 2017 hanggang 2018 na nagkakahalaga ng P10 bilyon at karagdagang P6 bilyon ngayong 2019 sa halagang ito ay P385 milyon ang ibinigay sa Casiguran, Sorsogon kung saan balae ni DBM Secretary Benjamin Diokno ang mayor na si Mayor Edwin Hamor.
Maliban dito, malaking bahagi ng proyektong ito ay nakuha umano ng Aremar Construction na pag-aari ng mga Hamor kung saan isa sa mga incorporator ay si Jojo Sicat na manugang ni Diokno sa Leoncio Construction.
Dahil sa interesado umano ang Office of the Ombudsman sa nasabing kaso, lalong ipupursige umano ng grupo ni Andaya ang imbestigasyon upang matulungan ang nasabing ahensya sa pangangalap ng mga ebidensya ng katiwalian sa proyektong ito.
318