HANNA LALAKAS PA KAHIT WALANG LANDFALL — PAGASA

BAGYONG USMAN-2

(NI ABBY MENDOZA)

ISA nang Severe Tropical Storm ang bagyong Hanna na inaasahang lalakas pa sa loob ng 48-oras subalit hindi pa rin ito inaasahang magla-landfall dahil malayo sa kalupaan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) halos hindi gumagalaw ang bagyong Hanna na pinalalakas ng hanging habagat kaya nakararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag uulan.

Sa monitoring ng Pagasa, hindi magla-landfall ang bagyo kaya walang ibinababang tropical cyclone signals.

Ang bagyo ay huling namataan 795 km sa Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 95 kph mula sa dating 85kph at bugso na 115 kph na dati ay nasa 105kph.

Sinabi ni Pagasa Weather Specialist Benison Estareja na kung pagbabatayan ang galaw ng bagyo ay hindi ito tatama sa lupa ngunit may posibilidad na kung bababa ang direksyon nito ay maaaring lumakas pa at posibleng magbaba ng Storm Signal No 1 sa Northern Luzon.

Sa  forecast track ng Pagasa ay inaasahang sa Biyernes pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Asahan pa rin umano na magiging maulan sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro

Romblon,Cavite,Batangas,Laguna at Western Visayas habang kalat kalat na paguulan ang mararanasan sa Luzon at

Central Visayas at ibinabala ng Pagasa ang pagbaha at landslide.

178

Related posts

Leave a Comment