(NI BERNARD TAGUINOD)
IPINAALALA ng grupong Gabriela kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sex toys ng mga sundalo ang mga kababaihan.
Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus ang pahayag matapos sabihin ni Duterte sa kanyang talumpati sa gift-giving event sa Camp General Manuel T. Yan sa Brgy. Tuboran, Mawab, Compostela Valley na lalaki ang mga sundalo at kailangan ng babae pagkatapos ng operation.
“President Duterte is making women pay the ultimate price. But women are not military’s sex toys and war trophies to be enjoyed after their bloody operations under Duterte’s macho-fascist all-out war campaign in communities across the country,” ani De Jesus.
Sinabi ng lady solon na ang ganitong mga pananalita ng Pangulo ay nakapaglalagay sa kapahamakan ng mga kababaihan dahil itinuturing niyang parausan ang mga babae imbes na pangalagaan ang kanilang karapatan.
Nangangamba ang mambabatas na nanganganib ang mga kababaihan sa mga lugar ng operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa tinurang ito ng Pangulo.
155