IMPRENTA NG BALOTA UUMPISAHAN NA

comelec

(NI MITZI YU)

TULUY- TULOY na ang paghahandang ginagawa ng Commission on Election (Comelec) para sa nakatakdang pag-imprenta ng mga gagamiting balota sa May 2019 midterm elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez na nakatakda sa ikatlong linggo ng kasalukuyang buwan ang pag-imprenta ng mga balotang gagamitin para sa darating na halalan.

Kahit na wala pang nailalabas na opisyal na listahan ng mga kandidato na siyang pagpipilihan ng mga botante.

Kaugnay nito, target naman ng Comelec na sa lalong madaling panahon na maipalabas na ang opisyal na listahan nang sa gayon, hindi magkaroon ng problema sa mga balotang ipapaimprenta.

Maaalalang naantala ang pagpapalabas ng poll body ng official list ng mga kandidato sa 2019 midterm elections dahil sa mga pending petitions ng mga nuisance candidates sa Korte Suprema.

Kasama na dito ang iba pang petisyong naihain laban sa mga tatakbong kandidato.

154

Related posts

Leave a Comment