INSURANCE SA ROTC STUDENTS, IGINIIT

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

NAIS ni Senador Imee Marcos na magkaroon ng insurance sa mga estudyanteng papasok sa Reserved Officers Training Corps (ROTC).

Ito ay sa gitna ng paniniwala ni Marcos na dapat manatili lamang na optional ang ROTC sa college level sa paggiit na hindi lamang sa pagiging sundalo naipamamalas ang pagmamahal sa bayan.

“Para sa akin optional na lang kasi hindi naman pagiging sundalo lamang ang katibayan na mahal mo ang bansa. Pwede ka naman maging nurse, malaking bagay yun. Pagkatapos yung mga social worker ganun din,” saad ni Marcos.

Ipinaliwanag ng senador na nag-aatubili ang ilang magulang partikular na ang mga nanay dahil na rin sa sinasabing 6% acceptable casualty ratio sa ROTC.

“Ang problema dyan may 6% acceptable casualty ratio, may masasaktan, may mamamatay pa ang hirap para sa nanay ang acceptable casualty pero talagang may nangyayari, may aksidente talaga,” diin ng senador.

Dahil dito, nararapat anya na magkaroon ng insurance sa mga ROTC students  na nakapaloob anya sa kanyang Senate Bill 413 o “Citizen Services Program”.

“Para sa akin, gwain nilang atraktibo (recruitment for ROTC). Una sa aking billl, sinabi ko bigyan natin ng insurance, accident, life yung mga papasok sa ROTC.  Bigyan natin benepisyo yung mga pamilya sa Armed Forces para makabili ng murang bilihin tapos ang mga opisyal bigyan natin ng allowance,” diin ng senador.

165

Related posts

Leave a Comment