‘INT’L HUMAN RIGHTS BODY ‘DI KAILANGAN’

panelo55

(NI BETH JULIAN)

HINDI kailangan ng Pilipinas ng ibang human rights advocate para lamang punahin ang sinasabing pag-abuso umano ng awtoridad sa kanilang mga inilulunsad na police operations.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, makabubuting hayaan na lamang ang sarili nating mga human rights advocate sa Pilipinas na tumulong sa ating mga nakararamdam ng umano’y pag abuso ng mga awtoridad.

Ayon kay Panelo, nariyan ang Commission on Human Rights  at Public Attorney’s Office na maaaring magbigay ng libreng legal assistance sa mga biktima.

Hindi makatwiran, ayon kay Panelo, na minamaliit lamang ng international human rights watchdog ang mga human rights group dito sa Pilipinas.

Paliwanag ni Panelo, ang problema sa human rights na ito ay pinupulitka ang mga umano’y insidente ng extra judicial killings sa bansa.

Dahil dito, hindi makumbinsi ang pamahalaan na magiging patas ang gagawing imbestigasyon ng human rights council o ano pa man na  international human rights body.

123

Related posts

Leave a Comment