(NI ABBY MENDOZA)
HIND umano Oplan Tokhang ang nangyayari ngayon sa drug war kundi Oplan Talkhang, kung saan panay salita at media exposure si Leni Robredo at wala pang gawa sa kanyang bagong posisyon bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).
Puna ni Cayetano mas madalas pang magpa-interview sa media si Cayetano imbes na magtrabaho bilang drug czar.
“Just get things done so sinabi niya i-abolish yung oplan tokhang eh ako i-abolish muna yung oplan all talkhang kasi all talk na eh!,”pahayag ni Cayetano.
Mula nang tanggapin ang ICAD position sinabi ni Cayetano na mas marami pang oras sa harap ng camera at mas marami pang statement kaysa sa trabaho si Robredo.
Pinayuhan pa ni Cayetano si Robredo na huwag ipa-media agad ang kanyang mga gagawin gaya ng pag-abolish sa Oplan Tokhang, ang pagsasabi na papayagan ang United Nations at United States na pumunta sa bansa at paghingi ng tips kay Sen. Panfilo Lacson lalo at nababasa ng drug lords ang mga hakbang nito.
“Yung mga druglord nakatutok sa mga radio sa tv kaya nakikita ang mga galaw. Mabuti yung mga ganitong operations ay tahimik na naaacomplished. Leni will not only get the support but all the credit kapag nagsuccess ang drug war,” dagdag pa nito.
Nilinaw naman ni Cayetano na suportado niya si Robredo dahil ang tagumpay ng drug war ay tagumpay ng bawat Filipino kaya hangad nya na magtagumpay ito sa kanyang bagong trabaho subalit mangyayari lamang ito kung tututok sa trabaho.
222