‘PAG GUILTY; SAMPALIN N’YO KO SA HARAP NG MADLANG PEOPLE — BATO

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

HANDA si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na magpasampal nang paulit-ulit kung mapatunayang sangkot siya sa katiwalian noong siya pa ang director general ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Dela Rosa, handa siya sa anumang imbestigasyong isasagawa sa kanyang naging panunungkulan sa BuCor mula Mayo hanggang Oktubre, 2018.

Una nang inamin ng senador na lumagda ito sa release orders ng 120 heinous crimes convicts batay sa good conduct time allowance (GCTA) law.

“Pag sinabi kong I want to be investigated,  I don’t think  I want it. Pero pag sinabi mong ready to be investigated,  I’m ready anytime. Wala kong itinatago,” diin ni dela Rosa.

“Malinis ang aking konsensya. Kahit na balig-baligtarin nyo ako,” dagdag pa nito.

“Kung meron  kang makita dyan na corruption na ginawa ko, sampalin  nyo ako sa harapan ng madlang  people. Hindi lang isang  beses,  kaliwa’t kanan, sampalin nyo ako pag may corruption akong ginawa,”  giit pa ng mambabatas.

Sa mga naunang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, lumitaw na mayroong nagaganap na GCTA for sale gayundin ang Hospital pass for sale.

Ipagpapatuloy naman ang pagdinig sa Huwebes, September 12.

140

Related posts

Leave a Comment