ROMUALDEZ HUGAS-KAMAY SA CIFs NI VP INDAY

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

TILA naghugas-kamay si House Speaker Martin Romualdez matapos magdesisyon ang Kamara na i-realign ang confidential at intelligence funds ng ilang ahensya kabilang ang Office of the Vice President at Department of Education na parehong nasa ilalim ni VP Sara Duterte.

Una nang itinanggi ng liderato ng Kamara na may halong pamumulitika ang nasabing aksyon laban sa secret funds ni Duterte.

Paliwanag ni Romualdez dumaan sa regular congressional deliberations ang pag-alis ng CIFs sa budget.

Aniya, may “small committee” sa mababang kapulungan ang naatasang mag-realign ng CIFs sa panukalang 2024 budget sa mga ahensya na nakatalagang magtanggol sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, sinabi ni Romualdez na handa siyang tulungan si Duterte sa kanyang mga budget request.

“We are also open and welcoming the OVP (Office of the Vice President) and the secretary to give us suggestions, recommendations, or whatever requirements or needs that the department or her office needs,” ani Romualdez.

Sa social media, naghayag ng kanilang saloobin ang mga netizen hinggil sa nasabing usapin.

May mga naniniwalang gusto lang bumawi ni Romualdez upang hindi mahalata na siya ang nag-udyok sa kanyang mga kasama sa Kamara na alisan ng CIFs si Duterte.

Narito ang ilan sa mga mababasang komento hinggil sa usaping ito:

Anathema:
“Tutulong”….after shafting her
Style mo bulok

Joe Pro:
Nanloloko ba tong si Martin, tinanggal na nga tapos makikiogtulungan

DONT ME!:
Say something and do another thing . That’s Philippine politics . In short tamba. . .

184

Related posts

Leave a Comment