SY PINALAYA NA NG NBI

wellmed12

PINALAYA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang co-owner ng dialysis center sa Quezon City matapos ang anim na araw na pagkadetine sa naturang ahensiya.

Una nang inaresto si Bryan Sy, co-owner ng WellMed Dialysis Center, dahil sa pagkakasangkot nito sa ‘ghost claims’ ng mga pasyente sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Linggo ng alas-10:30 ng umaga ay nakalabas na ng ahensiya si Sy, ayon sa abogadong si Rowell Ilagan.

Noong Sabado ay nakapagpiyansa na ang kampo ni Sy ng P72,000 para sa pansamantala nitong paglaya.

Gayunman, hindi pa rin nakalaya si Sy dahil sa ilang mga dokumentong gagawin kasama na ang ilang pending procedure at approval na kakailanganin mula sa Security Management Section.

Noong Biyernes ay kinasuhan si Sy ng Department of Justice, gayundin ang mga dating empleyado na sina Edwin Roberto at Leizel Aileen de Leon, sa kasong estafa sa pamamagitan ng falsification of official documents.

101

Related posts

Leave a Comment