NATIONAL ID SYSTEM ILULUNSAD NA SA SEPTEMBER

id12

(NI DAHLIA S. ANIN)

SISIMULAN na ang pilot testing ng national ID system sa bansa sa Setyembre hanggang Disyembre ngayong taon, ayon sa Malacañang.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, in-update na ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia at Nationaol Statistician Dennis Mapa ang Gabinete noong Lunes para sa implementasyon ng National ID system sa bansa.

“There will be a pilot testing which will run from September to December 2019 to register a substantial number of Filipinos nationwide. By the end of the President’s term in 2022, 107 million Filipinos are targeted to be registered,” sabi ni Panelo.

Pinirmahan ng Pangulo noong Agosto 6, 2018 ang Republic Act 11055 o Philippine Identification System (PhilSys Act) na naglalayong magpresinta na lamang ng isang government id sa pamamagitan ng national identification system.

Nilalaman ng Phil-ID ang PhilSys number, buong pangalan ng card holder, kabilang din ang litrato ng mukha, kasarian, araw ng kapanganakan, blood type at address. Meron ding itong biometric kung saan kailangan ang full fingerprints at iris scan.

Maaari ring ilagay ang email address, mobile number at marital status kung nais itong isama sa iyong impormasyon.

159

Related posts

Leave a Comment