NAWAWALANG PDL SA NBP NATUNTON SA ANGONO

HINDI na nakapalag ang nawawalang person deprived of liberty (PDL) ng Bureau of Corrections na si Michael Angelo Cataroja nang matunton ito ng mga operatiba ng Angono Police sa Sitio Manggahan, Brgy. San Isidro, sa nasabing bayan, mag-aalas singko ng hapon nitong Huwebes.

Kwento ng ina ni Cataroja, umuwi ito sa bahay ng kanyang pinsan kamakalawa ng gabi na pagod at gutom kaya agad ding nakatulog.

Mabilis namang nakarating sa intel unit ng Angono police ang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Cataroja kaya agad nila itong pinuntahan.

Dinala sa Angono Police Station ang PDL para sa verification at coordination ng PNP sa BuCor.

Si Cataroja ang nawawalang PDL sa New Bilibid Prison na unang iniulat na natagpuan ang mga buto sa septic tank ng NBP.

Matatandaang may 20 jail guards sa NBP ang sinibak kasunod ng ulat na nakatakas si Cataroja noong Hulyo 15.

(DANNY BACOLOD)

175

Related posts

Leave a Comment