DRONE GAGAMITIN NG PCG SA PAGPAPALAKAS NG BORDER SECURITY

IMINUNGKAHI ng Philippine Coast Guard (PCG) na gumamit ng high-end drones upang palakasin ang kakayahan nito sa pagtugon sa border security.

Ayon kay Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo,  mas makatitipid ng oras at gasolina sa pagsasagawa ng maritime patrols gamit ang drone.

Sinabi pa nito na kung sila ang masusunod ay dapat magkaroon ang lahat ang PCG districts ng kahit isang drone.

Nagbigay rin ito ng recap ng trilateral maritime exercise ng PCG kasama ang Japan Coast Guard (JCG) at United States Coast Guard (USCG) sa Mariveles, Bataan noong Hunyo 1-7.

Aniya, sa “Kaagapay” drills, nalaman ng PCG na ang USCG ay may malaking drone na maaaring magsagawa ng surveillance activities sa mga nakapaligid na karagatan.

Ang JCG ay gumagamit din ng US-made surveillance drones.

“‘Yun ang wala tayo na noong nakita namin, talagang nainggit kami. Talagang malaking bagay ito, malaking tulong ito. Imagine mo kapag nasa isang area kayo ng operations, mas mabilis na makakaikot ang drone,”pahayag ni Balilo.

Bagamat mahal ang modernong drone, ang pagiging epektibo naman nito sa gastos ay mas hihigit sa pagbili ng mga sasakyang-dagat dahil sa kanyang unmanned operability at high-security features.

(RENE CRISOSTOMO)

166

Related posts

Leave a Comment