VM DUTERTE POSITIBO SA COVID-19

0

NAG-AALALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos malaman na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang anak na Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

“Of course, the President is concern as a father bagama’t one thing going for vice-mayor ay siya po is bata at malusog. Talaga namang immune system ang panlaban dito sa COVID-19,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa kabilang dako, wala namang ideya si Sec. Roque kung nakasalamuha ni Pangulong Duterte ang anak.

“Wala po akong alam na closed contact si Presidente noh?,” aniya pa rin.

Sa ulat, inanunsyo ni Mayor Sara Duterte na nagpositibo sa COVID-19 ang nakababatang kapatid.

Sa kanyang social media post, ibinahagi nito na sa ngayon, via video call muna ang pamilya at kumustahan nang malaman nilang positibo sa virus si Vice Mayor Baste.

Kasama rin sa naturang post ang screenshots ng video call ng pamilya.

Hindi naman malinaw kung kailan nagpositibo sa COVID ang nakababatang Duterte.

Sa gitna nito, wala ring pahayag na inilalabas ang bise alkalde.

Samantala, kinumpirma ni Sec. Roque na hindi dadalo si Mayor Sara sa huling State Of the Nation Address (SONA) ng amang si Pangulong Duterte.

“Hindi ko lang po alam kung makararating po si Deputy Speaker Paolo “Pulong” (Duterte) but i understand, the number of members of Congress attending are also very limited po,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment