PAIIGTINGIN pa ang police visibility sa mga paboritong gawing tambayan sa mga komunidad na makaiistorbo sa pag-aaral ng mga nasa distance learning at maging sa mga nagwo-work from home.
Ito ang layunin ng panibagong pakikipag-ugnayan ng Joint Task Force COVID Shield sa Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Police General Camilo Pancratius Cascolan.
Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, napakaraming videos silang nakikita kung paano ang mga quarantine violator ay nagpapanakbuhan at nagtatago sa kanilang bahay-bahay oras na makakita ng mga parating na police cars.
Patunay aniya na alam nilang nilalabag nila ang community quarantine rules.
Makikita rin sa mga viral video na karamihan ng mga nagtatakbuhan ay walang suot na face mask at tahasang nilalabag ang social distancing at alituntunin sa mass gathering.
“The police presence on the streets and in the community is also in time for the start of the classes for public schools nationwide.
Through the police presence in the community, our online learners would not be disturbed and distracted by the noises coming from the people who hang out on the streets,” ani PLt. Gen. Eleazar.
Sa pakikipag-ugnayan kay Secretary of the Interior and Local Government (SILG) Eduardo Año, inatasan ni PLt. Gen. Eleazar ang mga police commander na makipagkoordinasyon sa mga Local
Government Unit (LGU), lalo na sa barangay level para mahigpit na ipatupad ang local ordinances na makatutulong din nang malaki sa isinasagawa ngayong online classes sa buong bansa.
Kabilang sa mga ordinansa ang batas laban sa drinking in public at paggamit ng videoke lalo na sa panahong may online classes.
“Our local police personnel and barangay officials should work together to extend all the necessary assistance to make sure that our online learners would be able to concentrate on their study,” sabi pa ni PLt. Gen. Eleazar.
Ayon kay Eleazar, dapat lahat ng bahay ay maging angkop sa pag-aaral at ang isa sa mga magagawa ng kapulisan sa tulong ng mga barangay ay maiwasan ang mga pasaway, ang pag-iingay lalo na ng mga quarantine violator.
“Your JTF COVID Shield understands the difficulties in online classes especially for the students because almost all of them are new on this.
That is why we are finding ways to help them at least in making their homes and their community conducive for learning,” ani PLt. Gen. Eleazar.
Una nang ipinag-utos ng JTF COVID Shield sa mga police commander na tiyaking hindi papayagan ang mga menor de edad sa mga internet shop bilang bahagi ng quarantine rules at proteksyon din sa paglaganap ng COVID-19. (JESSE KABEL)
226 