HUWAG IPAUBAYA SA LOCAL OFFICIALS

DPA

HINDI sa walang tayong tiwala sa local officials dahil marami naman ang matitino kahit papaano pero nararapat lang na mismong ang national government ang maghahatid ng tulong pinansyal sa bawat pamilya sa bawat barangay para matulungan ang mga dapat matulungan.

Marami na kasing kuwento’t karanasan ang mamamayan sa local officials mula sa mga mayor, city at municipal councilors hanggang sa barangay officials na hindi nakararating ang dapat dumating na tulong sa kanila.

Hindi kayang mag-isa ng isang mayor na maihatid ang tulong sa bawat pamilya sa lugar na nasasakupan nito kaya pinakikilos nito ang kanyang mga konsehal at ang mga konsehal naman ang magpapakilos sa mga barangay officials na siyang nakakaalam at nakakikilala sa mga tao sa kaniyang barangay.

Imposible na magbahay-bahay mismo ang mayor o kahit ang mga city at municipal councilors  kaya itatalaga nila ang kanilang barangay captain para maghatid ng tulong pero dahil sa politika sa ibaba, iyong mga dapat matulungan ay hindi natutulungan at ang mga hindi dapat tulungan ang siyang nakakukuha ng biyaya.

Kapag naging gahaman ang mga barangay captain, hindi lang sila  ang masisira kundi ang mga konsehal at mayor at nagagamit pa ang ganitong pagkakataon para pabanguhin pa ng local officials ang kanilang pangalan para maalala siya pagdating ng eleksyon.

Kaya tama ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang maghahatid ng tulong sa mga tao ay ang mga sundalo upang makarating ang dapat makarating sa mga mamamayan na walang labis at walang kulang.

Ang nangyayari kasi kapag ang  local officials ang inaatasang maghatid ng tulong, hindi tugma  ang halaga ng relief goods sa idinedeklara nilang gastos kaya hindi mo masisisi ang mga tao na mawalan ng tiwala sa kanila.

Kunwari, sasabihin ng mayor na ang bawat relief goods ay P1,000 pero kung kukuwentahin mo ang halaga ng laman ng bag na ipinamigay ay aabot lang ng P300 kaya marami ang ayaw magtiwala.

Posibleng totoo na ganyan ang halaga ng budget na inilabas ng mayor pero pagdating sa ibaba ay binawasan ng kapitan o kung hindi man ay binawasan ng kanyang mga tao kaya talagang magrereklamo ang mga tao.

Marunong nang magkuwenta ang mga tao at hindi mo na sila maiisahan lalo na kung ganitong panahon ng krisis na kailangan nila ang tulong pero imbes na kumpleto ang tulong na matatanggap nila ay kinukupitan pa.

Madali nang magreklamo ngayon dahil sa social media. Halos lahat na ng mga tao ay may cellphone na may camera na at konektado na sila sa internet (kahit mahina) kaya naipo-post na nila ang kanilang mga hinaing.

Oo nga pala, ang barangay officials din pala ang inaatasan na magsumite ng pangalan ng pamilyang dapat bigyan ng tulong pinansyal mula sa national government.

Dapat suriing mabuti ang listahan dahil  baka inilista diyan ang lahat ng miyembro ng pamilya. Ang usapan, bawat pamilya, isang miyembro lang ang makakukuha. Kailangan magkalinawan sa usapang iyan.

99

Related posts

Leave a Comment