OAMINAL, SUAN, RODRIGUEZ: VOICES OF EXCELLENCE SA HILAGANG MINDANAO

TARGET NI KA REX CAYANONG

INILABAS kamakailan ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang kanilang pinakabagong independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” nationwide performance survey na may kinalaman sa public officials.

Doon ay lumitaw na nanguna ang mga pangalan ng ilang top-performing District Representatives sa Northern Mindanao Region.

Kabilang sa mga ito sina Cong. Ando Oaminal ng Misamis Occidental, Cong. Lordan Suan ng Cagayan de Oro, at Cong. Rufus Rodriguez, kapwa mula sa Cagayan de Oro.

Parehong 89.8% ang performance ratings nina Oaminal at Suan habang 89.5% naman ang nasungkit ni Rodriguez.

Sa comprehensive performance assessment, nakakuha rin ng notable ratings ang ibang mga opisyal.

Si Rep. Christian Unabia ng MisOr ay nakadale ng mataas na 86.6% habang 85.9% ang kay Rep. Celso Regencia ng Iligan City. Nakabuntot naman sina Rep. Jonathan Keith Flores ng Bukidnon (83.5%), Rep. Sittie Aminah Dimaporo ng Lanao del Norte (83.3%), at Rep. Jason Almonte ng MisOr.

Nakasunod din sina Rep. Mohamad Khalid Dimaporo ng Lanao del Norte (80.6%), Rep. Jose Maria Zubiri Jr. ng Bukidnon (80.4%), at Rep. Yevgeny Vicente Emano ng MisOr na nasa ika-apat na pwesto habang nasa ika-limang puwesto sina Rep. Jose Manuel Alba ng Bukidnon (78.5%), Rep. Jurdin Jesus Romualdo ng Camiguin (77.8%), at Rep. Laarni Lavin Roque ng Bukidnon (77.6%).

Sa survey results, ipinaliwanag ni Dr. Paul Martinez na ang evaluation sa ilang district representatives ay ibinatay sa isang multi-dimensional assessment.

Kasama raw sa parameters kung paano naging epektibo sila sa kanilang district representation, contributions sa legislative performance, at kalidad ng serbisyo nila sa kanilang mga nasasakupan.

Kaya naman, dapat lamang batiin at saluduhan ang Northern Mindanao District Representatives sa pagkakasungkit nila ng mataas na high survey ratings.

Ang kahanga-hangang marka nila ay hindi lamang pagkilala sa husay ng mga mambabatas kundi makabubuti rin naman ito sa kanilang constituents.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

77

Related posts

Leave a Comment