P100M KONTRABANDO NASAMSAM NG NAVY

NASA P100 milyon ang halaga ng kontrabando na nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Navy sa magkakasunod na maritime operations sa Zamboanga del Sur.

Sa isinumiteng ulat sa punong himpilan ng Hukbong Dagat sa Manila, umabot sa P99,652,? ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando ng Naval Command Western Mindanao (NCWM) nitong nakalipas na linggo.

Kabilang sa mga ilegal na produkto na nasamsam ng NCWM ang undocumented diesel fuel na nagkakahalaga ng P72,172,046; smuggled foreign-brand cigarettes at isang gamit na motor vessel na nagkakahalaga ng P27,228,969; at Lauan lumber na nagkakahalaga ng P251,999.

Pinapurihan naman ni Rear Admiral Constancio Arturo Reyes Jr., NCWM commander, ang mga operating unit ng Hukbong Dagat at mga katuwang na ahensya sa matagumpay na koordinasyon na nagbunga ng mga operasyon laban sa smuggling.

“These operations reflect NCWM’s sustained commitment to securing the maritime domain of Western Mindanao and preventing its use for smuggling and other illegal activities. We will continue working closely with partner agencies to protect our waters and national interests,” pahayag ni Reyes.

Agad na ipinasa ng NCWM ang mga nasamsam na kontrabando sa Bureau of Customs–Port of Zamboanga para sa tamang disposisyon.

(JESSE RUIZ)

63

Related posts

Leave a Comment