P15K payouts sa daan-daang URS students PINANGUNAHAN NI CONG. FIDEL NOGRALES

PINANGUNAHAN ni Rizal, 4th District Cong. Fidel Nograles ang pamamahagi ng labinlimang libong piso (P15K) sa mahigit limang daang estudyante ng University of Rizal System (URS) sa ilalim ng Tulong Dunong Program (TDP) na ginanap sa Brgy. San Jose, Montalban noong nakaraang Oktubre 6, 2023.

Sa programa, nagbigay si Cong. Nograles ng kanyang inspirational message sa mga estudyante para sa lalo pa nilang pagsisikap sa kanilang pag-aaral.

Dumalo rin sa okasyon sina Dr. Florante Mercado, na nagbigay ng kanyang welcome remarks; Dr. Nancy Pascual, President ng URS na nagbigay ng kanyang mensahe; Dr. Allan Conde, Vice President Acedemic Affairs; Atty. Ryan Estevez, DPA, OIC Executive Director, UNIFAST; Ms. Shaine Abante, Head TDP Coordinator; Dr. Maricel Maniaol, dean College of Business na nagbigay ng closing remarks; Ms. Jannina Castillo & Mr. Jimmy Bingco, master of ceremonies at faculty members ng unibersidad.

Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Vicky Olarte, dean ng College of Social Work and Community Development ng URS, nagpapasalamat siya kay Cong. Nograles dahil 20% ng kanyang mga estudyante sa programa niya sa College of Social Work and Development ay scholar ng mambabatas.

Aniya, nasa 50 ng kanyang mga estudyante ay scholar ni Cong. Nograles kaya’t sobra-sobra ang kanilang pasasalamat sa mambabatas dahil malaking tulong ito sa mga estudyante.

Ayon kay Dr. Nancy Pascual, presidente ng URS, nasa 537 ng kanilang mga estudyante ang nasa ilalim TDP na pinagsamang pagsisikap ni Cong. Nograles, Commissioner on Higher Education at UNIFAST.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Dr. Pascual ang kabaitan ni Cong. Nograles sa mga estudyante ng URS dahil kung hindi sa kanila ng CHED at UNIFAST ay hindi magiging posible ang TDP.

Anya, simula nang maupo si Nograles apat na taon na ang nakalipas ay hindi na tumigil sa pagtulong sa kanila ang mambabatas.

Dahil dito, payo ni Dr. Pascual sa mga estudyante na ‘wag silang magsawa na pasalamatan ang mga tumutulong dahil hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maging scholar.

“Napakabait ni Cong. Nograles, magpasalamat at samantalahin ang [pagkakataon] ng mga taong tumutulong sa kanila, maging masipag sa pag-aaral, magpasalamat, magpasalamat, thank you, thank you so much sir, alam kong napakalaki ng puso mo, alam kong ipagpapatuloy mong bigyan ng mga pagtulong ang URS. Umaasa po uli ako na ‘wag nyo po kaming kalilimutan narito ang pamilya ng URS, “One URS, One Family,” ani Dr. Pascual.

Sabay-sabay din nagpahayag ng kanilang pasasalamat kay Cong. Nograles ang ilan sa mga scholar tulad nina Christian Misolas, may kursong Bachelor of Science Secondary Education, Major in Science, 20-anyos; Charlene Denise Chua na first time nakatanggap ng payout na P15k; Victor Emmanuel Tapal, 2nd college, Bachelor of Secondary Education at Angelie Sollegue, 22-anyos, na nakapagtapos ng kanyang kursong Bachelor of Science and Social Worker.

Ani Sollegue, sa tulong na P15k sa dalawang semester sa loob ng isang taon ni Cong. Nograles ay nakapasa siya sa board exam at naging social worker.

Dahil dito ay hindi siya magsasawang tumulong sa mga aktibidad ni Cong. Nograles bilang pasalalamat niya sa naitulong nito sa kanyang pagtatapos sa pag-aaral.

(JOEL O. AMONGO)

305

Related posts

Leave a Comment