MAGKAKALOOB ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng tig-P300,000 pabuya bawat ulo sa sino mang makapagtuturo sa dalawang suspek sa pagpatay sa isang dating barangay kagawad ng lungsod.
Tinutugis ng mga pulis sina Tito Santiago Salibio, 22, at Carlito Mansueto Abalo, kapwa ng Tañong, Malabon City.
Ang mga suspek ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court Branch 284 ng Valenzuela City, at walang inirekomendang pyansa.
Sina Salibio at Abalo ang sinasabing pumatay sa kagawad ng Barangay Canumay East, Valenzuela City na si Alexander Liwanag Joseph, noong Hunyo 29, 2022.
Para sa ano mang impormasyon ukol sa kinaroroonan ng mga supek ay maaaring tumawag sa Valenzuela City Police Station sa telepono bilang 8352-4000 at 0906-4197676. (ALAIN AJERO)
