SA pakikipag-ugnayan ng Joint Task Force COVID Shield sa Philippine National Police (PNP)na pinamumunuan ni Gen. Camilo Pancratius Cascolan, ay inatasan ang lahat ng police commanders na tulungan ang mga Local Government Unit (LGU) na matiyak na ang lahat ng sementeryo, memorial parks at columbarium sa bansa ay quarantine rules-compliant ngayong nagsimula na ang early commemoration ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, commander ng JTF COVID Shield, dapat tiyakin ng mga police commander na mahigpit na paiiralin ang minimum health safety standard protocol sa mga sementeryo, memorial park at maging sa mga columbarium gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at physical distancing na isang non-negotiable rule na dapat pairalin sa panahon ng pre and post-observation ng Undas.
“We leave it to the LGUs and the PNP to discuss the rules that would be implemented, but all the rules that would be crafted must be in consonance with what is prescribed by the IATF (Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases),” pahayag pa ni PLt. Gen. Eleazar.
“On the part of the PNP, the minimum health safety standard protocols are additional rules that should be implemented aside from the usual prohibitions like bringing of liquor and bladed weapons and other materials that would encourage mass gathering,” dagdag pa ng heneral.
Base sa inilabas na IATF guidelines, dapat na 30 percent lamang ng kapasidad ng mga sementeryo, memorial park at mga columbarium ang papayagan.
“Age restrictions, according to the IATF Guidelines, will not apply to all the visitors effective after the IATF Guideline was approved on September 17 and until November 15 only,” ayon pa sa heneral. (JESSE KABEL)
