INIHAYAG ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra na asahan nang mas lalawak pa ang operasyon ng mga provincial bus sa linggong ito.
Madaragdagan na kasi aniya ang mga ruta ng mga bus na bumibyahe patungo sa mga lalawigan.
Kabilang sa kanilang nakatakdang buksan ay ang provincial operation na mula Metro Manila Patungong Davao City o vice versa.
Aniya, sa kanyang pakikipag-usap kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte ay pumayag na itong buksan ang syudad para sa mga biyaherong magmumula sa National Capital Region (NCR)
basta’t matiyak lamang na masusunod ang mga minimum health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan.
Aniya pa, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mas marami pang ruta sa mga lalawigan ang mabuksan sa mga susunod na araw. (CHRISTIAN DALE)
