Pagluluwag ng protocols tuloy GOBYERNO TIWALANG HINDI SISIPA ANG COVID CASES

WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para pag-ugatan ng spike o pagsipa ng kaso ng COVID-19 ang nagsisimula nang pagluwag ng lockdown ng pamahalaan.

Kabilang na rito ang unti-unting pagpapahintulot sa mga public transport na magdagdag pa ng kanilang pasahero sa mga susunod na araw.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, naniniwala silang nabigyan na ng sapat na kaalaman ang mga tao para magkaroon ng sapat na proteksiyon kontra sa corona virus.

Aniya, sa loob ng anim hanggang pitong buwang pakikibaka sa COVID-19 ay kumbinsido silang alam na ng publiko ang gagawin na sinabayan ng laging paalala na Mask, Iwas at Hugas.

Samantala, kailangan pa munang linawin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang tungkol sa pagbabago ng age restriction ng mga puwede nang makalabas ng bahay.

Ito’y kaugnay ng anunsiyo na ibinaba na sa edad 15 at itinaas naman sa 65 ang pupwede nang makalabas ng bahay.

Paglilinaw ni Sec. Roque, example o halimbawa lang ang “15 to 65” sa rekomendasyon at hindi pa pinal.

Ang sigurado ayon kay Sec. Roque ay aprubado nang may pagbabago sa age restriction at hindi na 21 to 60 years old.

“Sa Tuesday po yata ang susunod na meeting, kasi budget hearing po ngayon. Dahil nag-resume ang budget, ang DOH po, bukas po iyong pagdinig ng budget nila, kaya wala pong meeting ng IATF,” ang pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

76

Related posts

Leave a Comment