PAGSASARA NG COLEGIO DE SAN LORENZO, PINAIIMBESTIGAHAN SA SENADO

ISINUSULONG ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang Resolusyon sa Senado upang imbestigahan ang biglaang pagsasara ng Colegio de San Lorenzo (CDSL) sa Quezon City noong Agosto 15.

Inihain ng senador ang Proposed Senate Resolution (PSR) No. 156  matapos siyang mangako sa mga guro at mag-aaral mula sa CDSL na paiimbestigahan ang naturang pagsasara.

“The sudden permanent closure of Colegio de San Lorenzo, despite the contingency measures adopted thereafter, has caused extreme prejudice, physical, psychological, and mental anguish to both the students and parents,” saad ni Tulfo.

“Kailangang masusing maimbestigahan ang ganitong agarang pagsasara na nangyari nang wala man lang abiso sa Department of Education (DepEd), sa mga guro at empleyado ng eskwelahan na mawawalan ng trabaho, at higit sa lahat sa mga estudyante at kanilang mga magulang na nagawa pa nilang pagbayarin ng tuition fees,” dagdag niya.

Nag-anunsyo ng “permanent closure” ang Colegio de San Lorenzo sa Quezon City noong Agosto 15. Ayon sa kanila, ito ay dulot ng financial instability bilang resulta ng pandemya ng COVID-19, at mababang enrollment.

Nabatid na kahit naibalik na diumano ng institusyon ang mga pera na binayaran ng ilang mag-aaral na nakapag-enroll na para sa school year 2022-2023, dismayado pa rin si Tulfo dahil sa nangyaring biglaang pagsasara na walang abiso.

“It’s disappointing how the school’s undertaking to coordinate with other schools which can accept displaced students and assimilate employees who lost their jobs manifestly came as a mere afterthought,” ani Tulfo.

“We also need to impose appropriate penalties and sanctions to those who may be held accountable for violations of applicable laws,” dagdag niya. (DANG SAMSON-GARCIA)

139

Related posts

Leave a Comment