Sa tinatarget na post-pandemic recovery ng MSMEs KAHALAGAHAN NG DIGITALIZATION BINIGYANG DIIN NI PANG. MARCOS JR.

BINIGYANG DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang digitalization sa isinasagawang MSME Summit 2022.

Sa pagdalo ni Pangulong Marcos sa okasyon, sinabi nito na natutuwa siyang magkalinya ang ideya na kanyang isinusulong sa ipinupursige rin ng MSME Summit para sa pagbabalik sigla ng ekonomiya ng bansa.

Partikular na aniya ang pagtataguyod sa digitalization na para sa Chief Executive ay magandang avenue para makamit ang economic recovery ng mga nasa Micro, Small, Medium Enterprise.
Nagtutugma aniya rito ang gobyerno at ang pribadong sektor sa gitna ng magkaparehong pananaw para sa magandang kinabukasan para sa mga Pilipino.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na “excited” siya sa kalalabasan ng Summit na tiyak aniyang magbubukas ng panibagong pintuan at mga istratehiya gayundin ng bagong mga oportunidad sa MSMEs.

Mula aniya rito ay lalabas ang full potential ng bansa patungo sa growth and development at malaki aniya ang magiging papel dito ng digitalization sa tinatarget na pagbangon ng kalakalan sa Pilipinas. (CHRISTIAN DALE)

164

Related posts

Leave a Comment