BINAWASAN na ang mga pasahero na pinapayagan na dumating sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa pamunuan, maari lamang ang 2,000 na tao.
Mababa ito kumpara sa 4,000 hanggang 6,000 kada araw na kanilang tinatanggap kada buwan.
Sinasabing kailangan na mag-adjust ng tila one-stop-shop ang gobyerno para sa uuwing mga Filipino worker.
Kabilang na rito ang pagpapahinto ng Philippine Red Cross sa pagproseso at pag-supply ng mga RT-PCR test kit o swab test kit.
Aabot naman sa 6,000 OFWs ang kasalukuyang nasa quarantine facility at naghihintay ng resulta ng kanilang swab test.
Inaabot na ng isang linggo ang paghihintay sa resulta ng swab test mula sa dating 2 hanggang 3 araw lang.
Nitong Agosto ay nagbabala ang Red Cross na ititigil na nila ang pagproseso at pag-supply ng COVID-19 tests kung hindi makapagbabayad ng higit P900 milyong utang ang PhilHealth sa kanila. (CATHERINE CUETO)
176 