ASAHAN na ang mas maraming economic activities sa pagsisimula ng Metro Manila Subway Project.
Tinuran ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang pangunahan niya ang ground breaking ceremony para sa pagtatayo ng Ortigas at Shaw Boulevard stations ng Metro Manila Subway Project (MMSP- Contract Package 104) sa Pasig City.
Umaasa ang Pangulo na mage-enjoy ang mamamayang Pilipino sa benepisyo ng nasabing proyekto.
“With accessible designated stations that can cater to a massive volume of passengers, we anticipate helping our people skip the long lines of traffic and even spare themselves from the perils of commuting,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang keynote message.
“With improving linkages of key areas in business districts in the metro as well as the availability of stalls and other stores in the stations and nearby markets, we can see more business opportunities for entrepreneurs and investors and additional economic activity,” dagdag na wika ng Pangulo.
Hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang publiko na manatiling positibo at sa halip ay tanggapin ang inconveniences na dala ng pagtatayo ng subway system bilang “small price to pay” para sa beneficial results nito.
Samantala, inilatag naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang “highlights” ng buong MMSP, ang kauna-unahang underground railway system ng bansa na tatakbo mula Valenzuela hanggang Bicutan, o mahigit sa 33 kilometers, na may 17 stations.
Ayon kay Bautista, ang MMSP ang magsisilbing “crown jewel” ng mass transit infrastructure system ng bansa sa oras na matapos na ito.
“We are running at full speed on this project. We owe it to the commuting public,” ani Bautista.
Ang subway, sa oras na maging operational, ay kayang mag-accommodate ng mahigit 519,000 pasahero kada araw.
Mababawasan na nito ang travel time mula Valenzuela hanggang Bicutan ng 45 minuto.
Ang groundbreaking ceremony ang magiging senyales ng pagsasara ng bahagi ng Meralco Avenue sa Pasig City – mula Capitol Commons hanggang Shaw Boulevard – kung saan ang traffic ay magiging ‘rerouted’ simula Oktubre 3, 2022 hanggang 2028 upang bigyang daan ang nasabing konstruksyon. (CHRISTIAN DALE)
