IPINAGKIBIT-BALIKAT lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panibagong akusasyon laban sa kanya ni Vice President Sara Duterte, kasabay ng pagsasabing maaaring nagmumula sa kinakaharap nitong legal na problema ang galit ng Bise Presidente sa kanya.
Sa isang media briefing nitong Linggo, kasunod ng kanyang pagdalo sa 18th BRICS Summit sa New Delhi, India, tinanong ang Pangulo tungkol sa mga pahayag ni VP Sara, kabilang ang umano’y plano niya laban sa Bise Presidente.
Sinabi ni Pangulong Marcos na narinig niya ang mga akusasyon ngunit hindi niya ito nais patulan o sagutin.
“You know, I hear about them, but I don’t really even have a response. If she feels very angry, I suppose, with what’s happening to her. And I am the target of that anger, or the main target of that anger. What can I do?” ayon sa Pangulo.
“You cannot force anyone to love you,” dagdag pa niya.
Matatandaang nitong nakaraang Biyernes ay nanawagan si VP Sara kay Pangulong Marcos na mag-resign sa isang rally sa Quezon City.
Naganap ang naturang panawagan matapos ipagpaliban ang arraignment ng Bise Presidente sa kasong grave threats.
(CHRISTIAN DALE)
40 