PDU30, IDO-DONATE ANG ISANG BUWANG SAHOD SA PROGRAMA KONTRA COVID-19

IDO-DONATE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang isang buwan na sweldo para sa programa ng pamahalaan ukol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“The President is likewise donating his one month salary for the cause,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Kinumpirma ng Malakanyang na maraming miyembro ng gabinete ng Pangulo ang boluntaryong ipamamahagi ang 75% ngkanilang buwanang sahod.

Ang kaltas na 75% sa kanilang buwanang sahod ay magsisimula ngayong buwan ng Abril hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.

Ang iba naman ay boluntaryo na salary deduction para sa buong panahon ng state of public health emergency bilang pakikiisa sa mga mamamayan at pagtulong sa pagsisikap ng pamahalaan na mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Ang ibang opisyal naman na may ranggong Kalihim ay magbibigay ng kahalintulad na bahagi ng kani-kanilang sahod upang palakasin ang pinagsama-samang laban sa nakamamatay na sakit.

Sa kabilang dako, ang Assistant Secretaries ng Offices of the Chief Presidential Legal Counsel and Presidential Spokesperson ay nagpahayag din ng hangarin nilang mag-donate ng 10% ng kanilang sahod na direkta naman sa Office of Civil Defense para ngayong buwan at patuloy na magbibigay ng financial at relief assistance mula sa kanilang sahod para naman sa mga grupo ng frontliner na nakikipaglaban sa health crisis sa mga susunod na buwan.

Ikinatuwa naman ng Office of the President ang ulat na ang dalawang sangay ng pamahalaan ay may sarilingprograma para labanan ang COVID-19.

Kinilala rin ng Malakanyang ang suporta ng iba’t ibang pinuno ng tanggapan at ahensiya ng pamahalaan sa kanilang personal na kapasidad para labanan ang covid-19 pandemic.

“There is an emerging consensus coming from medical experts, businessmen, government officials and other well meaning individuals that an extension of two weeks for the enhanced community quarantine or lockdown is necessary as lifting it could be premature as it might wipe out the gains we have so far achieved in containing the virus, ayon kay Sec. Panelo.

Binigyang diin ni Sec. Panelo na ang Pangulo ay ” all ears and eyes” sa paglalahad ng katotohanan at ekspertong opinyon.

“He is evaluating the best option to take that will effectively insure the success of our war against this wily and aceless global enemy. He will make his decision in due time,” aniya pa rin.

Samantala, tinawagan naman ng pansin ng Malakanyang ang sambayanang Filipino na maging matatag at panghawakan an commitment ng pamahalaan na aalagaan ang mga ito sa panahon ng banta ng COVID-19 para sa kaligtasan naman ng lahat.

“With God’s grace, and our Bayanihan spirit, we will triumph!,” aniya pa rin. CHRISTIAN DALE

170

Related posts

Leave a Comment