PEKENG PULIS ARESTADO SA MALABON

SWAK sa kulungan ang isang electrician matapos magpakilalang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Malabon City.

Nahaharap sa kasong Usurpation of Authority or Official Functions (Art. 177 ng RPC) ang suspek na kinilalang si Arvin Busa, 26, ng Blk. 9, Lot 31, 4th St., Brgy. Tañong.

Sa report nina P/SSgt. Mardelio Osting at PSSgt. Diego Ngippol kay Malabon Police chief, Col. Joel Villanueva, nagpakilala ang suspek na siya ay pulis at inimbita na mag-inuman si Alberto Perez Jr., traffic enforcer at residente ng Esguerra St., Brgy. Flores.

Matapos makaubos ng ilang bote ng alak dakong alas-3:00 ng madaling araw, naglakad ang suspek at si Perez sa kahabaan ng Gulayan St., Brgy. Concepcion para maghanap ng iba pang venue upang ituloy ang inuman.

Hanggang sa nakilala nila si Anthony Patola, 34, barangay kagawad ng Brgy. Concepcion kung saan ipinakilala naman nito si Busa kay Pat. Allan Roquite, 31, nakatalaga sa PCADG, Camp Crame.

Muling nagpakilala ang suspek bilang miyembro ng PNP kay Pat. Roquite.

Ngunit sa isinagawang beripikasyon sa PAIS PNCO, napag-alaman ni Pat. Roquite na hindi totoong pulis si Busa naging dahilan upang arestuhin niya ito. (FRANCIS SORIANO)

282

Related posts

Leave a Comment