HINDI kasama ang mga pensioner o mga pensyonado mula sa 2-month emergency subsidy program na ibinibigay ng pamahalaan.
Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang target beneficiary ay ang mahihirap na Filipino para matulungan ang mga ito na maka-recover mula sa coronavirus pandemic.
Ani CabSec Nograles, ang matatanda o senior citizens na kasama sa target beneficiary ng programa ay kailangan na manggagaling mula sa low-income families.
“Tandaan, dapat kabilang kayo sa low-income families,”dagdag na pahayag nito.
Ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development, ay nagsimula nang magbigay ng tulong pinansiyal sa mahihirap na pamilyang Filipino bilang bahagi ng social amelioration program.
Ang subsidy ay may range mula P5,000 hanggang P8,000, na ang layunin ay makinabang ang 18 million poor Filipino family kabilang na ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan. CHRISTIAN DALE
176 