Solon kinalampag ang IATF-EID PROTOCOL SA PAG-CREMATE NG NASAWI SA COVID-19 TUTUKAN

KINALAMPAG ni Senador Nancy Binay ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Disease (IATF-EID) hinggil sa protocol sa pamamahala sa bangkay ng namatay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) tulad ng cremation, storage at tulong pinansiyal sa pamilya.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na “kahit sound morbid, kailangan din i-address ng IATF ‘yung mga hinaharap na problema ng pamilyang namatayan dahil sa COVID-19.”

Aniya, lubhang nahihirapan ang pamilya na kumuha ng death certificates dahil hindi alam ng local government units (LGUs) at barangay officials kung ano ang gagawin sakaling mamatay ang pasyente sa loob ng tahanan nito o kung paano maayos ang bangkay na hindi na puwedeng ilagay sa mortuary freezers at crematorium.

“Sa ngayon pa lang, sana iresolba na natin ito. Ano ang pwede nating magawang ayuda sa mga pamilya? Paano kung walang-wala? Paano ang pambayad sa punerarya para sa cremation? Sino ang mag-aasikaso ng mga requirement? Paano na kung wala na gustong tumanggap na crematorium?” tanong ni Binay.

Sinabi pa ni Binay na sanhi ng kawalan ng malinaw na alituntunin mula sa IATF-EID, maraming ulat ang kanilang natatanggap na may ilang pribadong crematorium ang sumisingil ng P100,000 para sa cremation ng COVID-positive remains. ESTONG REYES

163

Related posts

Leave a Comment