NAKABINBIN pa rin sa Supreme Court ang consolidated habeas corpus petitions na inihain ng mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kahilingan nilang maiuwi siya sa Pilipinas mula sa detention facility sa The Hague, Netherlands.
Sa isang press conference sa Supreme Court, sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting na wala pa ring desisyon ang Korte Suprema sa naturang mga petisyon.
Inihain ang mga petisyon nina Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte, Davao City Mayor Sebastian Duterte at Kitty Duterte upang kuwestiyunin ang umano’y ilegal na pagdala sa dating Pangulo sa International Criminal Court (ICC).
Hinihiling ng pamilya Duterte na maiuwi sa Pilipinas ang dating Pangulo at atasan ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na gumawa ng mga hakbang para maisagawa ito.
Patuloy namang nililitis ng ICC si Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa libo-libong nasawi sa giyera kontra droga noong kanyang administrasyon.
(JULIET PACOT)
79 