PLANTASYON NG MARIJUANA SINUNOG NG PDEA

ILOCOS SUR – Milyong pisong halaga ng marijuana plants ang winasak ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang serye ng marijuana eradication sa Barangay Licungan sa bayan ng Sugpon sa lalawigan.

Ayon sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, naglunsad ng marijuana destruction ang kanyang mga tauhan mula sa pinagsanib na operasyon ng PDEA Regional Office I – Ilocos Sur Provincial Office (PDEA RO I – ISPO), Sugpon Police Station, at Ilocos Sur Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit (ISPPO-PDEU).

Ayon kay PDEA RO I Regional Director Atty. Benjamin G. Gaspi, binunot at sinunog ng mga operatiba ang kabuuang 10,250 piraso ng fully grown marijuana plants at 1,000 piraso ng marijuana seedlings mula sa limang taniman na may kabuuang sukat na humigit-kumulang 1,600 metro kwadrado.

Ang nasabing mga tanim ng marijuana ay agad na sinunog sa mismong lugar matapos ang operasyon ng PDEA.

(JESSE RUIZ)

112

Related posts

Leave a Comment