BABALA ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang pinakamapanganib na uri ng korupsyon ay hindi lamang pagnanakaw sa kaban ng bayan kundi maging ang paglason at pagsira sa kaisipan ng sambayanang Pilipino.
Noon pa pinatunayan na ng mga dating rebelde at maging ng mga kabataan na ang korupsyon sa burukrasya ang pangunahing dahilan kung bakit nahahalukay ang kanilang galit at magbitbit ng armas, ayon sa NTF-ELCAC.
Sabi pa ng ahensya, inilantad din nila kung paano ang Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP–NPA–NDF) ay ginagamit ang reyalidad na ito para hikayatin ang hanay ng kabataan, mga mag-aaral, at iba pang vulnerable sectors, maging mga lingkod-bayan sa pamamagitan ng pagbaluktot sa mga lehitimong karaingan tungo sa kanilang pailalim na recruitment tactics para sa violent extremism.
Habang ang NTF-ELCAC ay nagtutulak ng batas para panagutin ang mga recruiter, iginiit ng ahensya na hindi ito hakbang para patahimikin ang aktibismo o busalan ang mga salungat.
Sa katunayan ay pinananatili umano task force ang kanilang suporta para sa constructive activism at critical thinking bilang mahalagang haligi ng demokrasya.
“But we must draw the line to ensure that schools and communities remain safe spaces for legitimate debate and constructive civic engagement. We have to be alarmed when, instead of fostering genuine love for our country, they become pipelines for terror grooming by the CPP-NPA-NDF,” ayon pa sa NTF-ELCAC.
Ibinigay na halimbawa ng ahensiya ang huling kaganapan sa Mindoro na na nagpapakita ng mga kinahaharap na banta.
Ang mga mag-aaral na nagsusulong para sa human rights ay pinagsasamantalahan ng CPP–NPA–NDF narratives na nagsasabing isang military zone ang lalawigan.
“Even a recent convention of the University of the Philippines General Assembly of Student Councils was disrupted by outside agendas that had nothing to do with student welfare or even legitimate civic issues. This is how corruption of the mind works: it hijacks youthful passion for justice and diverts it toward destructive ends,” ani Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., NTF-ELCC Executive Director.
Kaugnay nito, nanawagan ang NTF-ELCAC sa mga mambabatas na ituloy ang paglilinis sa gobyerno mula sa corrupt bureaucrats habang bumabalangkas ng batas na nagpapataw ng kaparusahan sa terrorist recruiters.
“We urge parents, educators, civil servants, and communities to remain vigilant and guard not only our resources but the minds of our youth, the integrity of our institutions, and the democratic spaces we all cherish, pakiusap ni USEC Torres kaugnay sa paggunita ng Peace Month ngayong buwan ng Setyembre.
(JESSE RUIZ)
119 