TINIYAK ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na sasampahan ng kasong plunder sina dating Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero at dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa Ombudsman, may nakita umanong sabwatan sa proseso ng paglalaan ng pondo ng pamahalaan noong 2024 at 2025 na kinasasangkutan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Target isampa ang kaso laban sa dalawang opisyal sa darating na Mayo.
Kasabay nito, inatasan din ng Ombudsman ang lahat ng kongresista na isumite ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) upang masuri ang kanilang yaman sa nakalipas na 10 taon.
(JULIET PACOT)
36 