Apat na lalawigan ang isinailalim sa signal number 1 ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil sa pagbagsak ng bagyong Samuel sa bansa.
Ayon sa PAGASA, nasa ilalim na ng signal No. 1 ang lalawigan ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Dinagat Island Province.
Posibleng maisama rin ang ang mga probinsya ng Southern Leyte at Eastern Samar sa mga lugar na may nakataas na warning signal.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 660 kms silangan timog-silangang bahagi ng Hinatuan, Surigao del Sur, taglay ang lakas ng hanging nasa 55 kph at may pagbugsong nasa 65 kph.
Kumikilos naman ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Inaasahan na tatama ito sa kalupaan Martes ng gabi.
Samantala, pinag-iingat din ang mga residente sa Caraga Region, Davao Oriental, Compostela Valley, Southern Leyte, Bohol, Camiguin at Misamis Oriental dulot ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na maaaring maging dahilan nang pagbaha at pagguho ng lupa.
131